Kuya aksidenteng nabaril si bunso, patay
(Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2016 - 1:03am

MANILA, Philippines – Utas ang isang tatlong-taong gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang kuyang limang-taong gulang sa Titay, Zamboanga Sibugay.

Kinilala lamang ng mga awtoridad sa pangalang Ralph Stephen ang biktima at ang nakatatandang kapatid na si Renz Mark.

Ayon kay Police Chief Inspector Rogelio Alabata, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), aksidenteng nabaril ni Renz Mark ang kapatid gamit ang kalibre .45 pistol nitong Sabado sa Purok Sunflower, Barangay Longilog bandang alas- 8 ng umaga.

Nalamang pagmamay-ari ng kanilng lolo ang baril na may serial number na 211343.

Pumasok sa kwarto ang dalawang bata kung saan nila nakita ang baril sa taas ng cabinet.

Iniabot umano ng biktima ang baril sa kaniyang kuya na itinutok at hinila ang gatilyo pabalik.

Naisugod pa sa Sibud County Hospital si Ralph Stephen ngunit hindi na umabot pang buhay matapos magtamo ng bala sa kaniyang dibdib.

Dinala naman sa municipal social welfare office si Renz Mark para sa socio-psychological intervention.

ANG AYON BARANGAY LONGILOG DINALA POLICE CHIEF INSPECTOR ROGELIO ALABATA POLICE REGIONAL OFFICE PUROK SUNFLOWER RALPH STEPHEN RENZ MARK SIBUD COUNTY HOSPITAL ZAMBOANGA SIBUGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with