_ngayon
^

‘Sugapa sa alak’, nag-suicide

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang hindi na makontrol sa pagiging adik sa alak ang 23-anyos na lalaki kaya ito nag-suicide matapos na tumalon mula sa ika-5 palapag ng Baguio City General Hospital kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Supt. George Daskeo, hepe ng Baguio City PNP, kinilala ang biktima na si Erick Muñoz ng Barangay Salud Mitra, Baguio City. Nabatid na si Muñoz ay nagtungo sa Flavier Building upang magpagamot ng kanyang sakit na pneumonia. Habang nagpapahinga ay inutusan ng biktima ang dalawa nitong kasama na bumili ng makakain sa labas ng gusali. Nang makalabas ang dalawa ay inakyat ng biktima ang bukas na bahagi ng ika-5 palapag ng gusali at isinagawa ang pagpapakamatay. ?Sinasabing naging sugapa sa alak ang biktima kung saan hindi na nito mapigil ang sarili sa alak kaya isinagawa ang pagsalubong kay kamatayan.

ANG ATILDE BAGUIO CITY BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL BARANGAY SALUD MITRA ERICK MU FLAVIER BUILDING GEORGE DASKEO HABANG NABATID SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with