^

Drug pusher itinumba

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2016 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Pinabu­lagta ang 38-anyos na farm helper na suma-sideline na drug peddler matapos itong pagbabarilin ng rinding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Barangay Binagbag sa bayan ng Angat, Bulacan kahapon ng umaga. Siyam na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jarlito Laborde ng Barangay Santa Lucia sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos sa Malolos City, nakasakay ng traysikel ang biktima nang ratratin ng tandem bandang alas-11:45 ng umaga. Hindi naman idinamay ng gunmen ang traysikel driver na natulala sa nasaksihang pamamaslang. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang inamin naman ng asawa ng biktima na nagtutulak ng shabu ang kanyang mister. Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo sa pamamaslang.

 

ACIRC ANG ANGAT BARANGAY BINAGBAG BARANGAY SANTA LUCIA BULACAN CAMP ALEJO SANTOS JARLITO LABORDE MALOLOS CITY NAREKOBER PINABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with