Binata pinandirihan, nagbigti
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa pandidiri ng mga tao sa kaniyang paligid bunga ng grabeng sakit sa balat, nag-suicide ang 24-anyos na binata matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Lodlod, Lipa City sa Batangas noong Biyernes ng hapon. Sa ulat ng Batangas PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-3 ng hapon nang magpatiwakal ang biktimang si Jose Lanete Jr., tubong Pinamalayan, Oriental Mindoro at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na labis na dinamdam ng biktima ang ipinakitang pandidiri ng mga tao kabilang ang kaniyang mga kaibigan na nilalayuan ito. Nadiskubre ng kapatid nitong si Angel Lanete ang pagpapatiwakal ng biktima matapos itong umuwi at hanapin ang kapatid.

ANG ANGEL LANETE BARANGAY LODLOD BATANGAS BIYERNES CAMP CRAME DAHIL JOSE LANETE JR. LIPA CITY LUMILITAW ORIENTAL MINDORO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with