Kawani ng city hall, nilikida
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang 44-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan matapos itong tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Crossing Nursery Street sa Purok 3, Barangay Nursery sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Elmer Sampaga, may asawa, at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ang  pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang  harangin at ratratin bandang alas-6:20 ng gabi. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle, cal. 45 pistol ng biktima, motorsiklo, pera, at cellphone nito. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa politiko ang pamamaslang.

ANG BARANGAY NURSERY BULAGTA CAMP SIMEON OLA CROSSING NURSERY STREET ELMER SAMPAGA KINILALA MASBATE MASBATE CITY NAREKOBER PUROK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with