Tindahan sinuwag ng SUV: 2 patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang 17-anyos na estudyante ang namatay makaraang suwagin ng rumaragasang SUV ang isang tindahan at nakaparadang sasakyan sa tabi ng highway sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Plaridel, Bulacan noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, bigla na lamang sinalpok ng Honda Civic Sedan (WGA-570)  na minamaneho ni Alfredo Payumo ang mga biktimang sina Kevin Romero at Judy Ann Santos sa harapan ng tindahan na pag-aari ni Romegio de Guzman.

Si Payumo ay taga Quezon City na patungong Malolos City upang bisitahin sana ang kaniyang lupain sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sinuwag pa ng SUV ni Payumo ang delivery truck na nakaparada sa harapan ng tindahan kasunod ang binatilyong estudyante na sakay ng kaniyang skateboard.

Samantala, bahagya naman nasugatan ang driver na si Payumo na isinailalim sa kustodya ng Plaridel PNP matapos gamutin sa Bulacan Medical Center.

Sa pahayag ni Payumo, nawalan siya ng kontrol sa manibela habang inaalam naman ng mga awtoridad kung nasa impluwensya ito ng alak.

ALFREDO PAYUMO ANG BARANGAY STO BULACAN MEDICAL CENTER CAMP CRAME HONDA CIVIC SEDAN JUDY ANN SANTOS KEVIN ROMERO MALOLOS CITY PAYUMO PLARIDEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with