_ngayon
^

Probinsiya

2 pamilya nagsagupa: 1 utas

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Patay ang Isang 61-anyos na mister habang malubha ang anak nito at isa pang misis matapos na magkasagupa ang dalawang pamilya kamakalawa ng hapon sa  Brgy. Libertad, Uson, Masbate. Ang nasawi ay si Wilfredo Herrero, magsasaka samantalang ang sugatang 24-anyos na anak nito ay si Joebert, binata.  Sugatan din ang isa pang misis na si Evelym Balatucan,  ina ng suspek  sa pananaga na si Jomar Balatucan, 29, binata,  manggagawa ng naturang lugar. Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon habang nag-iinuman ang mag-amang Herrero at ama ng suspek na si Sonny Balatucan sa bahay ng mga Herrero nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan. Dahil dito, agad na sinundo nina Evelyn at Jomar si Sonny Balatucan subalit muling nagkainitan ang mag­kabilang panig. Naglabas ang mga biktima ng kutsilyo at itak laban sa ama ng suspek subalit mabilis namang kumuha ng itak ang suspek sa kanilang bahay. Nang bumalik sa lugar ay pinagtataga ang mga biktima. Matapos ang pananaga, agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek.

ACIRC ANG BRGY DAHIL EVELYM BALATUCAN EVELYN HERRERO ISANG JOMAR BALATUCAN SONNY BALATUCAN WILFREDO HERRERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with