3 swak sa bangin, patay
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2016 - 9:00am

CAMP SIMEON OLA, Albay, Philippines – Tatlo-katao ang namatay makaraang mag-dive ang kanilang motorsiklo sa may 50 talampakang bangin na nasa gilid ng highway sa Barangay Binitinan, bayan ng San Fernando, Masbate kamakalawa ng hapon. Nakilala ang mga biktima na si Marvin Caparino, 16, habal-habal driber; Jaime Oliva, 43; at si Rene “Toto” Tugbo, 54, kapwa may asawa, at mga nakatira sa Barangay Baybaydagat sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Simeon Ola, ihahatid sana ni Caparino ang dalawang pasahero nitong lulan ng motorsiklo nang mawalan ng kontrol kaya nagtuluy-tuloy na nag-dive sa malalim na bangin bandang alas-3:24 ng hapon. Kaagad naman tinulungan ng ilang residente ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

BARANGAY BAYBAYDAGAT BARANGAY BINITINAN CAMP SIMEON OLA CAPARINO JAIME OLIVA KAAGAD MARVIN CAPARINO MASBATE NAKILALA RENE SAN FERNANDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with