^

Probinsiya

Misis dinedo sa harap ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 32-an­yos na ginang habang nasa malubha namang kalagayan ng mister nito makaraang pagbabarilin ng kaaway ng mister sa harapan ng kanilang anak sa Barangay Pangdel, bayan ng Bayambang, Panga­sinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Rosarion Joy Tantoco habang ginagamot naman sa Region 1 Medical Center ang mister nitong si Salvador “Zaldy” Bautista, 39.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Michael Aquino na sinasabing nakaaway ni Salvador.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, kasalukuyang namamahinga ang mag-asawa ng bigla na lamang bulabugin ng suspek kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Aquino at Bautista.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang pinagbabaril ni Aquino ang mag-asawa kung saan sugatang nakatakbo ang nasabing mister habang naiwan naman ang misis nito na tuluyang tinapos ng suspek.

Ang insidente ay nasaksihan ng 9-anyos na anak na babae ng ginang na si John Maicah Franchesca Austria.

ACIRC

ANG

AQUINO

BARANGAY PANGDEL

BAUTISTA

BAYAMBANG

CAMP CRAME

JOHN MAICAH FRANCHESCA AUSTRIA

MEDICAL CENTER

MICHAEL AQUINO

ROSARION JOY TANTOCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with