Misis dedo, mag-ama grabe sa killer car
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sa halip na maki­pagdalamhati sa namayapang kaanak ay pinaglalamayan ngayon ang 38-anyos na misis matapos salpukin ng kotse ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Naganacan, bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Jeffrey Raposas, hepe ng Sta. Maria PNP ibinabiyahe ni Dionisio Bragas, 39, ang kanyang misis at 7-anyos na anak mula pa sa Nueva Vizcaya patungong Cagayan nang salpukin ng Toyota Vios (NRYU 7879) ni Gracelyn Marcos ng Barangay Tapel sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Nabatid na nang-agaw ng linya ang kotse ni Marcos nang tangkain nitong mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya natumbok nito ang motorsiklo ng mga biktima dakong alas-6:30 ng umaga.

Patay agad si Joylyn Bragas habang ang mag-amang Dionisio at Marian ay naisugod sa Cagayan Valley Medical Center sa Tugue­garao City.

Sumuko sa mga pulis si Marcos matapos ang insidente.

ACIRC ANG BARANGAY NAGANACAN BARANGAY TAPEL CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER DIONISIO BRAGAS GRACELYN MARCOS JEFFREY RAPOSAS JOYLYN BRAGAS NUEVA VIZCAYA SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with