Notoryus drug peddler, tiklo
(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2016 - 9:00am

PAMPANGA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 21-anyos  na sinasabing notoryus na drug peddler matapos itong masakote sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa harap ng trade school, Friendship Highway, Barangay Cut-Cut sa Angeles City, Pampanga noong Martes ng hapon. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Rolando M. Doroja, hepe ng PNP Station 5, kinilala ang suspek na si Ryan Tamayo ng Purok 1 sa Barangay Anunas, Angeles City. Nabatid na si Tamayo ay nasa talaan ng drug watchlist ng Angeles City PNP. Nasamsam sa suspek ang 2-plastic sachet ng shabu, 1.5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, at ilang drug paraphernalia. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5,11 at 12 ng RA 9165 ang suspek.

ANGELES CITY BARANGAY ANUNAS BARANGAY CUT-CUT DOROJA FRIENDSHIP HIGHWAY NABATID NAHAHARAP NASAMSAM ROLANDO M RYAN TAMAYO SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with