73-anyos lolo kinatay ng kapitbahay
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2016 - 9:00am

QUEZON, Philippines – Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 73-anyos na lolo matapos itong pagtatagain ng kanyang kapitbahay na nakaalitan sa Sitio Pasaliulo, Barangay Mabini sa bayan ng Mulanay, Quezon kamakalawa ng gabi. Namatay agad ang biktimang si Oscar Funtilar habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marvin de Vida. Base sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataan ang dalawa na nagtatalo sa hindi malamang kadahilanan dakong alas-6:30 ng gabi. Gayon pa man, biglang hinugot ng suspek ang kanyang itak saka pinagtataga ang biktima sa leeg at nang bumulagta sa lupa ay sunud-sunod pang initak hanggang sa mapatay.

ANG BARANGAY MABINI GAYON MARVIN MULANAY NAGMISTULANG NAMATAY OSCAR FUNTILAR QUEZON SITIO PASALIULO VIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with