_ngayon
^

Probinsiya

Beybi nakaladkad ng van, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos ang si­napit na kamatayan ng 1-anyos na sanggol na lalaki matapos itong makaladkad ng isang van sa kahabaan ng kalye ng Brgy. Darawey, Bayambang, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead-on- arrival sa Bayambang District Hospital ang biktima na kinilalang si John Carlo Cayabyab sanhi ng tinamong malulubhang sugat sa kaniyang katawan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng gabi ay kasalukuyang nagla­laro ang bata sa tabi ng highway nang gumapang at umakyat ito sa bumper ng nakaparadang van na nakarehistro sa isang Alma Manrobang at minamaneho ni Butch Briones, 33.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay aandar na pala ang van at hindi napansin ang bata na nakasabit bunsod upang ito ay suma­bit ang damit nito sa bumber at makaladkad ng ilang metro bago ito huminto.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang bata na nagawa pang maisugod sa pagamutan, subalit nasawi rin ito.

 

ACIRC ALMA MANROBANG ANG BATAY BAYAMBANG BAYAMBANG DISTRICT HOSPITAL BRGY BUTCH BRIONES DARAWEY IDINEKLARANG JOHN CARLO CAYABYAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with