Mister dinedo ng 3 kainuman
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Bangkay na nang madiskubre ang isang lalaki habang nakadapa sa isang creek makaraang pagsasaksakin ng kanyang mga kainuman sa Dipolog City, kamakalawa.

Sa ulat ni Chief Insp. Rogelio Alabata, hepe ng Regional Police Information Office 9, nakilala ang biktima na si Ricardo Bongcawil, 23, alyas “JunJun” ng Purok 4,Sitio Balintawak, Lindugan, sa nasabing siyudad.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuang dakong alas-7:30 ng umaga na tadtad ng saksak ang buong katawan.

Nabatid na bago natagpuang patay ang biktima ay kainuman nito ang mga kaibigang sina Rodel Azucenas; Manuel Azucenas at Casamiro Lodovice sa isang waiting shed malapit sa isang tindahan sa kanilang lugar.

Ilang oras ang lumipas, nagpasya ang grupo na lumipat sila sa bahay ni Rodel na malapit sa creek para doon ituloy ang kanilang inuman.

Ilang minuto ang lumipas, nagpasyang umuwi ni Manuel matapos tawagin ng kanyang kinakasama.

Ayon sa ilang kapitbahay ng biktima alas -10:00 ng umaga ay nakarinig umano sila ng sigaw na humihingi ng tulong malapit sa naturang lugar bago nakitang bangkay ang biktima.

Pinaghahanap na ng otoridad sina Rodel Azucenas, at Lodovice na itinutu­ring na mga suspek.

ANG CASAMIRO LODOVICE CHIEF INSP DIPOLOG CITY ILANG MANUEL AZUCENAS REGIONAL POLICE INFORMATION OFFICE RICARDO BONGCAWIL RODEL AZUCENAS ROGELIO ALABATA SITIO BALINTAWAK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with