Mag-asawa inutas ng mga magnanakaw

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2016 - 9:00am

CAMP SIMEON OLA, LEGAZPI CITY, Philippines – Brutal ang naging kamatayan ng isang mag-asawa matapos na sila ay barilin at pagsasaksakin ng mga magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Tugas, Matnog, Sorsogon.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Ben at Gloria Garais, kapwa 50-anyos at residente ng nasabing lugar na pawang nasa liblib.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mag-asawa nang maalimpungatan nang marinig ang kalabog sa loob ng bahay.

Nang makita ng mga suspek na nagising ang mag-asawa ay agad nila itong pinagbabaril at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mga ito.

Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung magkano ang halaga ng pera at alahas ang natangay ng mga suspek.

ANG ASAWA BAHAY BARANGAY TUGAS BATAY GLORIA GARAIS MAG MATNOG MGA NANG SORSOGON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with