Motor salpok sa van: Sekyu dedo, 1 malubha
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2016 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Patay ang isang security guard habang kritikal ang backrider nitong lady guard matapos na sumalpok sa isang closed van ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan si Tercito Respicio, 40, may-asawa ng Blk 3, Lot 58, St. Joseph Village, Cabuyao, Laguna, habang nilalapatan ng lunas ang backrider nito na si Sherry Ann Capacio , 37, ng Oregano St.,  Brgy. Maduya, Carmona, Cavite, kapwa security guard ng  Concepcion Medea Corporation sa Welbourne Industrial Park Brgy., Bancal Carmona sa ilalim ng MEGA VPS Security Agency Inc.

Sa ulat ni PO2 Gilbert Centeno, dakong alas-7:35 ng gabi habang  magkaangkas na binabagtas ng dalawang biktima lulan ng pulang motorsiklo na Honda Wave 100 (3944 DK)  nang biglang makasalubong ang Fuso Fighter aluminum wing close van truck (RMJ 479) na minamaneho ni Alfonso Flores II, may-asawa, ng Blk. 34, Lot 33, Ph 3, Southville 5-A, Brgy. Langkiwa, Binan, Laguna.

Nag-menor umano ang nasabing van upang pumasok sa isang gasolinahan subalit sa bilis ng patakbo ng kasalubong na motorsiklo lulan ang mga biktima ay inokupa pa umano nito ang outer lane ng kalsada hanggang sa sumalpok ito sa kanang bahagi ng van.

Sa lakas ng bangga, wasak ang motorsiklo at tumilapon ang dalawa sa kalsada.

ALFONSO FLORES ANG BANCAL CARMONA BRGY CARMONA CAVITE CONCEPCION MEDEA CORPORATION FUSO FIGHTER GILBERT CENTENO HONDA WAVE NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with