^

Probinsiya

Pastor inutas sa harap ng anak!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinabulagta ng pinaniniwalaang “hired killer” ang isang 54-anyos na pastor ng Bible Baptist Church sa harap mismo ng kanyang paslit na anak sa Barangay Ambalite, Pugo, La Union kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report ng Pugo Police, kasama ng biktimang si Rosendo Bula-oy ang 10-anyos na anak na paakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman.

Mabilis umanong tumambad mula sa kanilang likuran ang suspek na armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at saka walang sabi-sabing pinaputukan.?

Agad na nalagutan ng hininga ang pastor sa harap ng tumatangis na anak at mabilis na tumakas ang salarin sakay ng isang itim na SUV.?

Sinisiyasat na ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa nasabing ala­gad ng simbahan.

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY AMBALITE

BIBLE BAPTIST CHURCH

LA UNION

MABILIS

PINABULAGTA

PUGO

PUGO POLICE

ROSENDO BULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with