Karnaper nabangga sa puno, utas!
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2016 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Nagawa pang makatakbo sa mga pulis at militar, patay naman sa bangga ang isang umano’y karnaper nang sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa malaking puno ng kahoy sa kasagsagan ng hot pursuit operation sa Purok 6, Poblacion, Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat

Kinilala ni Police Supt. Jemuel Siason, hepe ng Sultan Kudarat Provincial Public Safety Company (SKPPSC) ang suspek na si Joey Mateo, 33, ng Barangay Sadsalan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang makita mismo ni Sergeant Pio Bedola, team leader ng isang PNP/Military checkpoint sa Barangay Tina, Tacurong na siyang may-ari mismo ng motorsiklo ang pagtangay ng suspek sa kanyang sasakyan. Dahil dito, mabilis na hinabol si Mateo ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Talakudong, Tacurong City PNP at SKPPSC.

Sa hot pursuit operation, hindi huminto ang suspek na nagtangka pang lumaban sa mga awtoridad subalit dahil sa bilis ng patakbo nito sa pagmamadaling tumakas, sumalpok ang motorsiklo sa puno ng G-melina na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

ANG BARANGAY SADSALAN BARANGAY TINA JEMUEL SIASON JOEY MATEO POLICE SUPT SERGEANT PIO BEDOLA SULTAN KUDARAT SULTAN KUDARAT PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY TACURONG CITY TASK FORCE TALAKUDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with