^

Coed pinilahan ng 3 senglot

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

QUEZON, Philippines – Hindi akalain ng 17-anyos na estudyante na maagang mawawasak ang kanyang pagkababae matapos itong pilahan ng tatlong nakainumang lalaki sa bayan ng Lucban, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Pansamantalang nasa kustodya ng lokal na tanggapan ng DSWD ang biktimang itinago sa pangalang Leah, 2nd year college student habang naaresto naman ang mga suspek na kinilala  sa mga alyas na Obet, 24; Noli, at Julian na mga residente rin sa nabanggit na bayan. Base sa ulat ng pulisya, nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan at sa tatlong suspek noong Lunes ng gabi.

Nang makaramdam ng pagkahilo ang biktima ay nagpaalam na itong uuwi kaya sinamahan naman siya ni Obet subalit sa halip na ihatid sa bahay ay ipinasok ito sa kuwarto at doon pinilahan ng dalawang iba pa.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga suspek habang pinagsisihan naman ng biktima ang ginawang pakikipag-inuman.

ANG BIKTIMA LEAH MGA NAHAHARAP NAMAN NANG NOLI OBET PANSAMANTALANG QUEZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with