Kinalasan ng nobyo, nagbigti
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2016 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang kinalasan ng kanyang nobyo kaya nagdesisyon ang 17-anyos na dalaga na magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, bayan ng Baggao, Cagayan noong araw ng Bagong Taon. Sa pahayag ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Baggao PNP na iimbitahan nila si Jess Taberdo na sinasabing huling nakausap ng biktimang si Alona Alonzo bago ito magbigti. Base sa police report, umuwing tulala ang biktima at nagkulong sa loob ng kanyang kuwarto matapos makipagkita kay Taberdo. Dakong tanghali nang madiskubre ng kanyang ina ang dalaga na nakabitin na sa kisame ng kanyang silid.

ALONA ALONZO BAGGAO BAGONG TAON BARANGAY SAN JOSE CHIEF INSP DAKONG JESS TABERDO KANYANG PINANINIWALAANG ROMAR PACIS TABERDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with