Motorbike vs trike: 3 patay
Freeman News Service (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang namatay habang apat naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa Barangay Bato sa bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental, tatlong oras bago sumapit ang Bagong Taon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Samuel Nacion, officer-in-charge ng Neg­ros Occidental PNP, ang mga namatay na sina Aldrin Ambong, 19, driver ng motorsiklo, ng Barangay Bato; Joshua Amar, 15, at utol nitong si John Michael Amar, 11, mga nakatira sa Barangay Aranda.

Sugatan namang isinugod sa ospital ang mga biktimang sina Jennifer Amar, 20, trike driver; dalawang pamangkin nitong 13 at 15-anyos; at ang motorcycle rider na si James Genevota, 25.

Ayon kay P/Chief Insp. Lino Dalisay, hepe ng Hinigaran PNP, nag-overtake ang motorcycle ni Ambong sa sinundang sasakyan subalit sa hindi inaasa­hang pagkakataon ay nakasalpukan naman ang kasalubong na traysikel noong Huwebes ng gabi.

Wala namang kasong naisampa kay Ambong dahil namatay na ito su­balit umaapela ang pamil­ya Amar ng financial assistance sa mga kaanak ni Ambong.

ACIRC ALDRIN AMBONG AMBONG ANG BAGONG TAON BARANGAY ARANDA BARANGAY BATO CHIEF INSP HINIGARAN JAMES GENEVOTA JENNIFER AMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with