^

Probinsiya

Tandem dedo sa suwag ng truck

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang dalawang katao na sakay ng isang motorsiklo nang sila ay suwagin ng dump truck sa national highway ng Brgy. Cauri­ngan, Sison, Pangasinan kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jerry Salinas, 35, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Aira Rizza Navarro,16, sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa kanilang mga katawan.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang driver ng Isuzu dump truck (RFM-243) na si Joemarie Agtarat, 20.

Sa ulat ni Sr. Supt. Rolie Saltat, Officer-in-Charge ng Pangasinan Police, naitala ang insidente sa kahabaan ng nasabing highway bandang alas-12:37 ng mada­ling araw.

Kasalukuyang buma­bagtas ang kulay itim na motorsiklong Blaze na walang plaka na minamaneho ni Salinas kaangkas si Navarro nang suwagin sila ng dump truck na minamaneho ni Agtarat.

Ang mga nasawi ay pa­tungo sa katimugang direksyon habang sa north bound naman ang Isuzu dump truck  nang mangyari ang sakuna.

Sa pagsusuri ng mga doktor ang driver ay nasa impluwensya ng alak nang mangyari ang insidente. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property ang driver ng dump truck.

ACIRC

AGTARAT

AIRA RIZZA NAVARRO

ANG

BRGY

ISUZU

JERRY SALINAS

JOEMARIE AGTARAT

PANGASINAN POLICE

ROLIE SALTAT

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with