2,000-katao nanatili sa evacuation center

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 2, 000 residente na nagsilikas mula sa kanilang barangay dahil sa bakbakan ang sasalubong sa Bagong Taon na nasa evacuation center sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Kabilang sa 2,000 residente ay mula sa mga Barangay Kauran, Durian, Paitan, at sa Barangay Banaba ang nananatili ngayon sa Espe­ranza Gymnasium at humi­hingi ng tulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan para sa kanilang pangangailangan.

Napag-alamang nagsilikas ang mga residente sa takot na muling salakayin ng mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang mga nasabing barangay.

Dagdag ng kapitan, nais lamang ng grupong BIFF na mabigyang-pansin sila ng gobyerno sa kanilang hinihiling kabilang na  ang nakabinbing Bangsamoro Basic Law.

Nagmistulang ghost town ang ilang barangay sa bayan ng Esperanza sa Sultan Kudarat at sa karatig na bayan dahil sa pa­ngambang muling salakayin ng BIFF.

Nananawagan naman sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang mga residente mula sa apat na barangay na sana’y matulungan sila upang matigil na ang pag-atake at pagpatay ng mga rebeldeng grupo.

ACIRC ANG BAGONG TAON BANGSAMORO BASIC LAW BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS BARANGAY BARANGAY BANABA BARANGAY KAURAN ESPERANZA MGA SULTAN KUDARAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with