_ngayon
^

Trike driver utas sa killer truck

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2015 - 9:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 57-anyos na trike driver habang apat naman ang nasugatan makaraang salpukin ng dump truck ang apat na sasakyan sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay Busay sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Nakilala ang namatay na si Jimmy Ortega ng Barangay Cabangan sa bayan ng Camalig habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina  Angelo Belaro 37, driber ng trike at nakatira sa Barangay Malabog; Aziel Dairo, 28, driber ng jeepney (EVN 240); at si Genly Lopez, 60, driber ng Toyota Revo (WEC 824). Arestado naman ang driber ng dump truck (TOW 316) na si Ricardo Nabesa Jr., 48, ng Barangay Tula-tula Grande sa Ligao City. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, nawalan ng preno ang dump truck na patungong Legazpi City mula sa Bayan ng Guinobatan kung saan sinuwag ang apat na sasakyang nakasalubong.

ANG ANGELO BELARO AZIEL DAIRO BARANGAY BUSAY BARANGAY CABANGAN BARANGAY MALABOG BARANGAY TULA CAMP SIMEON OLA GENLY LOPEZ JIMMY ORTEGA LEGAZPI CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with