^

Probinsiya

2 sundalo pinabulagta

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Hindi na umabot ng Bagong Taon ang dalawang sundalo makaraang ratratin ng mga hindi kila­lang kalalakihan sa panibagong karahasang naganap malapit sa gusali ng Ranao Broadcasting Corporation sa Marawi City, Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng Army’s 103rd Brigade, kinilala ang dalawa na suna Sgt. John Saballe at Pfc. Sofronio Grame na kapwa nakatalaga sa Army’s 65th Infantry Batallion. Pinaniniwalaan namang mga Middle Eastern-inspired extremists na lulan ng motorsiklo ang responsable sa pamamaril sa dalawang sundalo bumibili lamang sa gulayan at fruit stand. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang fruit vendor sa nasabing lugar. Nabatid na ang dalawang sundalo ay inatasang kumuha ng impormasyon kaugnay sa pag-atake sa ABS-CBN news team sa Banggolo District sa Marawi City noong Sabado.

ACIRC

AYON

BAGONG TAON

BANGGOLO DISTRICT

INFANTRY BATALLION

JOHN SABALLE

MARAWI CITY

MIDDLE EASTERN

RANAO BROADCASTING CORPORATION

ROSELLER MURILLO

SOFRONIO GRAME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with