2 sundalo utas sa pag-atake ng Abu Sayyaf
(Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2015 - 9:07pm

MANILA, Philippines – Malungkot na sasalubungin ng dalawang pamilya ang bagong taon matapos masawi ang kanilang mga mahal sa buhay kasunod ng pag-atake ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Sulu ngayong Lunes ng umaga.

Dalawa ang nasawi sa hanay ng military nang atakihin ng Abu Sayyaf ang kampo ng 22nd Marine Company sa sitio Palan, Barangay Mampallam sa Talipao, Sulu kaninang alas-2 ng madaling araw.

Tumagal ng 15 minuto ang engkwentro na ikinasugat din ng isa pang sundalo.

Tumanggi naman si Maj. Felimon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, na pangalanan ang dalawang nasawi.

Sinabi pa ni Tan na may mga nasawi rin sa grupo ng mga bandido.

Iniutos na ni Brig. Gen. Alan Arrojado, pinuno ng Joint Task Group Sulu,ang pursuit operations laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.

ABU SAYYAF ALAN ARROJADO ANG BARANGAY MAMPALLAM DALAWA FELIMON TAN JR. INIUTOS JOINT TASK GROUP SULU MAJ MARINE COMPANY WESTERN MINDANAO COMMAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with