Ambush: 1 patay, 2 sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan kabilang ang isang negosyante sa magkakahiwalay na pananambang ng motorcycle riding-in-tandem sa Binalonan at Natividad, Pangasinan.

Sa report ng Panga­sinan Police, naitala ang unang insidente sa kahabaan ng provincial road ng Brgy.Linmansangan, Binalonan, Pangasinan dakong alas-7:45 ng umaga kamakalawa.

Batay sa ulat, kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang magkahalong kulay berde at itim na Euro motorcycle (for registration) na minamaneho ni Sergio Ca­yabyab, 58, kaangkas si Teofilo Malapitan, 61 nang pagbabarilin sila ng riding- in-tandem.

Ang dalawa ay kagaga­ling lamang sa bahay ni Brgy. Kagawad Rafael Legaspi Jr., at pauwi na sa kanilang tahanan nang sila ay pagbabarilin.

Namatay noon din si Malapitan sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si  Cayabyab.

Sa isa pang insidente, bandang alas-7:30 naman ng umaga kamakalawa nang pagbabarilin ng ri­ding in tandem ang negos­yanteng si Jesus Espique, 65,sa kahabaan ng highway ng Brgy. Poblacion West, Natividad ng lalawigang ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at patuloy na isinasalba matapos na ili­pat sa Villaflor Medical Hospital sa Dagupan City si Espique.

ACIRC ANG BINALONAN BRGY DAGUPAN CITY JESUS ESPIQUE KAGAWAD RAFAEL LEGASPI JR. NATIVIDAD PANGASINAN POBLACION WEST SERGIO CA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with