^

Probinsiya

Misis sinunog ni mister

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunos-lunos ang si­napit ng isang misis matapos saksakin at iginapos ay sinunog pa ng kanyang sariling mister sa loob ng kanilang tahanan sa Cainta Rizal, kahapon ng umaga.

Ang biktima na ‘beyond recognition’ na nang makuha ang bangkay nito na nakagapos sa haligi ng kanilang tahanan ay kinilalang si Lolita Contiga, nakatira sa Block 5, Anak Pawis St., Barangay San Juan, Floodway, Cainta, Rizal.

Ang suspek na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog matapos maisagawa ang krimen ay kinilalang si Joel Contiga, nasa hustong gulang na ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad upang sampahan ng kasong parricide at arson.

Sa imbestigasyon ng pulisya at Bureau of Fire Protection,nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng tahanan ng mag-asawang Contiga.

Ayon sa ilang kapitbahay, narinig nilang nagsisigawan, nag-aaway ang mag-asawa sa hindi pa batid na kadahilanan at pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nanahimik.

Bago tuluyang tumakas ang suspek ay sinunog pa nito ang kanilang bahay, at  nadamay na masunog ang 15 kabahayan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at nasa 30-45 pamilya ang nawalan ng mga bahay.

ACIRC

ANAK PAWIS ST.

ANG

AYON

BARANGAY SAN JUAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAINTA

CAINTA RIZAL

CONTIGA

JOEL CONTIGA

LOLITA CONTIGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with