^

Misis pinatay sa bigti ni mister

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2015 - 9:00am

SARIAYA,QUEZON, Philippines – Pinatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang misis ng kanyang mister matapos na madiskubre ng biktima na may kalaguyo ang asawa kamakalawa ng umaga sa Purok 6, Barangay Sto. Cristo.

Sa ulat ni P/Supt. Harold Depositar, hepe ng pulis, kinilala ang biktima na si Raquel de Castro, 25, habang tinutugis ng pulisya ang mister nito na si Eleazar Rosales, alyas Makoy. Dakong alas-4:30 ng umaga nang makitang naka­handusay sa kama at patay na ang biktima habang nakapulupot sa leeg nito ang kable ng kuryente.

Nakita sa kamay nito ang sulat ng suspek na umaamin na siya ang responsable sa pagkamatay ng asawa. Isang mahabang kable ng kuryente ang natagpuan pa sa gilid ng kanilang kama na pinaniniwalaang pinagputulan ng suspek na ginamit nitong pagpatay.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Ruel, noong gabi ng Disyembre 23, 2015, narinig nila ang mag-asawa na nagtatalo nang matuklasan ng babae na may kinalolokohang babae ang mister hanggang sa matagpuan na ang huli na wala nang buhay.

ACIRC ANG AYON BARANGAY STO CRISTO DAKONG DISYEMBRE ELEAZAR ROSALES HAROLD DEPOSITAR ISANG MAKOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with