Hubo’t hubad na bangkay, narekober

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2015 - 9:00am

North Cotabato, Philippines – Hubo’t hubad at patay na nang matagpuan ang isang lalaki na nakahandusay na pinaniniwalaang sinalvage sa gilid ng national highway ng Brgy. Singkatulan, Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Chief Insp. Elias Colonia, hepe ng Makilala Police, maliban sa hubot hubad ang katawan ng biktima, nababalutan pa ng packing tape ang ulo nito.

Tatlong mga empty shell ng caliber .45 pistol ang narekober sa gilid ng biktima na pinaniniwalaang sa lugar na rin siya pinaslang ng mga di kilalang salarin.

Ayon kay Colonia, posibleng hindi taga Makilala ang biktima at binitbit lamang sa nasabing lugar ang biktima.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na may tama ng bala sa kanyang ulo.

Matatandaang isang Badrudin Salibo Mamalu rin, 23 anyos na taga brgy. Bolod, SK Pendatun, Maguindanao ang sinubukang patayin at itinapon sa bahagi ng Brgy. Old Bulatukan Makilala, na masuwerte namang nakaligtas.

ANG AYON BADRUDIN SALIBO MAMALU BOLOD BRGY CHIEF INSP ELIAS COLONIA MAKILALA MAKILALA POLICE NORTH COTABATO OLD BULATUKAN MAKILALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with