4 bata nalunod, 1 pa nawawala
(Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Luksa ang pagsalubong sa kapaskuhan ng pamilya ng apat na mga bata makaraan silang malunod habang lumalangoy sa karagatan ng Brgy. Naga, Tiwi, Albay nitong Huwebes ng hapon.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Hasley Nuñez, 14 taong gulang; Mackrey Rayala, 11, Anthony Colasi, 1 at Louie Brocalis, 9 anyos.

Patuloy namang pinag­hahanap ang isa pang biktima na si Edcel Colasi, 11 taong gulang.

Sa ulat  ng Police Regional Office (PRO) V, kagagaling lamang ang mga biktima sa Christmas party ng kanilang eskuwelahan dakong alas-4 ng hapon nang maisipang mag-swimming sa dagat.

Sa kalagitnaan ng pagsu-swimming, napagawi sa malalim na bahagi ng dagat ang  ilan sa mga bata hanggang sa magkakampay na sinaklolohan naman ng kanilang mga kasamahan. Gayunman, pare-pareho silang nilamon ng mga dambuhalang alon.

Narekober ng nagres­pondeng search and retrie­val team ang bangkay ng apat sa mga biktima dakong alas-7 ng gabi ilang oras matapos ang insidente.

Ipinasa na sa kanilang mga pamilya ang bangkay ng apat na batang nalunod. Joy Cantos/Ed Casulla

ACIRC ANG ANTHONY COLASI ED CASULLA EDCEL COLASI HASLEY NU JOY CANTOS LOUIE BROCALIS MACKREY RAYALA MGA POLICE REGIONAL OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with