Caretaker hindi nakabili ng alak, tinodas

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2015 - 9:00am

ARITAO, Nueva Vizcaya, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang caretaker ng farm nang ito ay barilin ng suspek matapos hindi makabili ng alak sa Barangay Darapidap ng bayang ito kamakawala ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Teofilo Coyos, caretaker ng Jomar-Quezon farm na matatagpuan sa Sitio Saranay. Habang ang suspek ay nakilalang si William Lim-ang, 51, at residente ng San Antonio North,Bambang, Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon ng Aritao PNP, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang utusan ng suspek ang biktima kasama ang isang 17-anyos na nakilalang si Satur Alga para bumili ng alak na inumin.

Dahil umano sa alanganin na ang oras ay bumalik ang dalawa na walang nabiling alak na  ikinagalit ng suspek.

Pinaalis ng suspek si Alga at ilang sandali ay pinagbabaril ng una ang biktima.

Agad na nadakip ang suspek na kasalukuyan ngayong nakapiit sa Aritao PNP.

ANG ARITAO BAMBANG BARANGAY DARAPIDAP BATAY NUEVA VIZCAYA SAN ANTONIO NORTH SATUR ALGA SITIO SARANAY TEOFILO COYOS WILLIAM LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with