^

Armored van vs jeep: 3 todas

Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Tatlong katao ang nasawi kabilang ang dalawang guro habang 13 ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang isang armored van sa isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City ng lalawigang ito.

Namatay habang dina­dala sa ospital ang biktimang sina Mylene Estrada, 38 ng Brgy. Bagong Buhay 3; Yolanda Tuico, 39 ng Brgy. Sto. Cristo, kapwa guro at Erjel Relox, 22, drayber ng Brgy. Minuyan IV sa nasabing bayan.

Nilalapatan ng lunas sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang sina Marissa Bezar, 50; Teresita Cada 54; Ma. Patricia Barnachea,19; pawang taga Brgy. Kay­pian, Elvira Macaraeg, 58; Rovie Voy Salud 28; Nenita Salud, 24; Danikka Torres, 20; pawang taga Brgy. Minuyan III; Carmela Maningas,19; Carl Justin Tuico, 7, kapwa taga Brgy. Sto. Cristo; Rafael Banson,17 ng Brgy.San Rafael; Jonna Asan, 25 ng Brgy. San Martin 1; Ramoncito Belga, 52 ng Brgy. Sto. Niño; at Vincent Panes, 26 ng Brgy. Minuyan IV pawang sa bayang ito.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Ryan Rey Bautista, 25, drayber ng armored car at residente ng Brgy. Caingin, San Rafael.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-6:10 ng gabi binabagtas ng pampasaherong jeep (CWM-248) na minamaneho ni Relox ang kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Sto. Cristo pa­punta sa hilagang direksyon habang binabagtas din ng armored van (ZPS-348) ang kabilang direksyon.

Pagsapit sa palusong na bahagi ng Brgy. Sto. Cristo ay biglang nawalan ng preno ang armored van na naging dahilan upang banggain nito ang kasalubong na pampasaherong jeep.

Sa lakas ng bangga ay naipit sa upuan ang drayber na si Relox habang nayupi na parang lata ang una­hang bahagi ng jeep.

Tumagal ng isang oras bago tuluyang nakuha ng rumespondeng rescuer ang drayber.

Ang driver ng armored van ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide,multiple physical injuries at damage to properties.

ACIRC ANG BAGONG BUHAY BRGY CARL JUSTIN TUICO CARMELA MANINGAS CRISTO DANIKKA TORRES MINUYAN SAN RAFAEL STO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with