Obrero inutas ng barangay tanod

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

QUEZON, Philippines - Napaslang ang 38-anyos na obrero matapos itong barilin ng hepe ng barangay tanod habang nakikipagsayaw sa idinaos na Christmas Party sa Sitio Centro, Barangay Canda sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng tama sa leeg ang biktimang si Arturo Miguel Atienza, may-asawa habang tumakas naman ang suspek na si Gerardo Sulit ng Sitio Calabitbit sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, nasa kasagsagan ng sayawan ang biktima at mga kaibigan nang dumating ang suspek na lulan ng motorsiklo. Nang mamataan ang biktima ay nilapitan ito ng suspek saka binaril sa leeg gamit ang shotgun. Inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen kasabay ng pagsasampa ng kasong murder sa suspek.

ANG ARTURO MIGUEL ATIENZA BARANGAY CANDA CHRISTMAS PARTY GERARDO SULIT INAALAM NANG NAPASLANG QUEZON SITIO CALABITBIT SITIO CENTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with