DILG regional director kritikal sa pamamaril
(Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang regional director ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si DILG Region IV-A Director Renato Brion ng Unit 705 Tower 3, Avida Tower, New Manila sa Quezon City.

Ayon kay P/Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba PNP, kararating lamang ni Brion lulan ng Toyota Innova (SLC 963) na minaneho ng driver na si Medel Saturno kasama ang kaniyang misis para pumasok sa opisina sa  Andison Building 1 nang lapitan at pagbabarilin ng gunman bandang alas-7:30 ng umaga.

Kaagad na isinugod sa Calamba Medical Center Hospital kung saan nasa malubha itong kalagayan.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento sa PNP ang malawakang manhunt operation laban sa gunman.

A DIRECTOR RENATO BRION ANDISON BUILDING AVIDA TOWER BARANGAY PARIAN CALAMBA CITY CALAMBA MEDICAL CENTER HOSPITAL DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT FERNANDO ORTEGA INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MEL SENEN SARMIENTO MEDEL SATURNO NEW MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with