_ngayon
^

16-anyos kasambahay, nagbigti

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa problemang pampamilya kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na kasambahay matapos itong magbigti sa bahay ng kanyang amo sa Barangay Tierra Alta, bayan ng Taal, Batangas kamakalawa. Kinilala ang nag-suicide na si Melody Laurente ng Bagong Ilaya sa bayan ng General Luna, Quezon at naninilbihan sa bahay ng kaniyang amo sa nasabing barangay. Sa ulat ng Batangas PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong ala-1:15 ng  hapon nang madiskubre ang biktima na nakabitin sa kisame ng kusina ng bahay na pag-aari ni Harvey Villalon na pinagsisilbihan ng biktima. Nagawa pang maisugod sa Taal Polymedic Hospital ang biktima pero idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

BAGONG ILAYA BARANGAY TIERRA ALTA BATANGAS CAMP CRAME GENERAL LUNA HARVEY VILLALON KINILALA MELODY LAURENTE NAGAWA PINANINIWALAANG TAAL POLYMEDIC HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with