2 drug pusher dedo sa barilan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

RIZAL, Philippines – Patay ang dalawang drug pusher matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na PNP checkpoint sa C6 Road sa Barangay Gitnang Bayan Uno sa bayan ng San Mateo, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na may edad 25 hanggang 30, kapwa kayumanggi, may taas 5’5 -5’6.

Sa police report na isi­numiti kay P/Supt. Ruben Marte Piquero, hepe ng San Mateo PNP, dakong alas-3 ng madaling araw ay tinangkang pahintuin ng pulisya sa checkpoint ang dalawang nakamotorsiklo.

Subalit pinutukan ang mga operatiba ng pulisya na humantong sa shootout kung saan napatay ang dalawa.

Nasamsam sa dalawa  ang 2 cal. 38 revolver, 5 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at ang motorsiklo na walang plaka.

ACIRC ANG BARANGAY GITNANG BAYAN UNO DALAWA KASALUKUYANG NASAMSAM PATAY RIZAL RUBEN MARTE PIQUERO SAN MATEO SUBALIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with