Mister nahulog sa sapa, todas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng isang 54-anyos na mister ang sakit nitong rayuma matapos itong sumpungin ng karamdaman na ikinahulog nito sa sapa sa Brgy. Calsib, Aguilar, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Nestor Soriano, ng Purok 7, Brgy. Calsib, Aguilar ng lalawigang ito.

Ang katawan ng biktima ay natagpuang lumulutang sa nasabing sapa ilang minuto matapos siyang mahulog sa tubig dakong alas-3 ng hapon.

Sa ulat ng Pangasinan Police, inatake ng rayuma ang biktima habang hawak ang tungkod nito dahilan upang aksidente siyang mahulog sa sapa na siya nitong ikinalunod.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

AGUILAR ANG BIKTIMA BRGY CALSIB KINILALA NAGAWA NESTOR SORIANO PANGASINAN PANGASINAN POLICE PUROK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with