Staff ng alkalde patay sa tandem
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng motorcycle-riding assassins ang isang staff ni City Mayor Ferdinand Tubban sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Dagupan West, Tabuk City, Kalinga noong Martes ng umaga.?

Walong tama ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Oscar Gunday na dating vice president ng Kalinga School of Science and Technology.

Ayon kay P/Supt. Gilbert Fati-ig,  hepe ng Tabuk City PNP, naghihintay ng traysikel sa waiting shed ang biktima patungo sa city hall nang hintuan at ratratin ng riding-in-tandem gunmen.

Idineklarang patay sa Kalinga Provincial Hospital ang biktima na nagtamo ng apat na tama sa dibdib, dalawa sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sinabi ng mga saksi na inabangan ng tandem gunmen si Gunday sa waiting shed sa tapat ng kanyang bahay bago naganap ang pamamaril.?

Inaasahan ng pulisya na makakapagbigay ng composite sketch ang mga nasa crime scene upang matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.?

ANG AYON BARANGAY DAGUPAN WEST CITY MAYOR FERDINAND TUBBAN GILBERT FATI GUNDAY IDINEKLARANG KALINGA PROVINCIAL HOSPITAL KALINGA SCHOOL OF SCIENCE AND TECHNOLOGY OSCAR GUNDAY TABUK CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with