Retiradong Army, itinumba
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 53-anyos na retiradong sarhento ng Phl. Army matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang mga pasahero sa ipinapasadang traysikel sa bisinidad ng talipapa sa Barangay Lingaling Libag Sur sa Tugue­garao City, Cagayan kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Tuguegarao City PNP, nagsasakay ng mga pasahero sa kanyang tricycle ang biktimang si Eddie Saguing malapit sa mga street vendors nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-6 ng umaga. Nakatakas ang gunman matapos makihalubilo sa mga taong nagpulasan at nagsisigaw sa takot na madamay sa pamamaril. Sinisilip ng pulisya ang anggulong love triangle ang isa sa motibo sa naganap na pamamaslang.

 

ACIRC ANG BARANGAY LINGALING LIBAG SUR EDDIE SAGUING JESSIE TAMAYAO NAKATAKAS PHL PINABULAGTA SINISILIP TUGUE TUGUEGARAO CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with