‘Tulak’, 6 pa huli sa drug bust
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na notor­yus na tulak ng shabu habang anim ang naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang bahay sa isinagawang drug bust operation sa Brgy.Abangan Sur, Marilao, Bulacan kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerardo “Jojo” Dela Cruz, 52, na No.8 sa listahan ng Top Ten Drug Personality; Ryan Milliondaga, 52; Melvin Peñalosa 36, pawang residente ng Brgy. Abangan Sur; Roberto Raymundo, 46; ng Brgy. Poblacion; Benjamin Guevarra Jr., 36, ng Brgy.Nagbalon; Angelita Flores, 32, ng Brgy. Abangan Norte pawang sa bayang ito at Cassandra Chebb Vesaga, 27, ng Veterans Village, Proj.4, Quezon City.

Sa ulat ni P/Supt. Lai­lene Amparo, dakong alas-8 ng gabi nang maki­pagtransaksyon ang isang pulis na poseur buyer sa isang alyas Jojo upang bumili ng isang sachet ng shabu kapalit ang marked money ngunit dahil sa walang hawak na droga, pinatuloy na lang ng suspek sa loob ng bahay nito upang ibigay ang shabu.

Habang nag-aabutan ang dalawa, dito naaktuhan ang iba pang suspek na kasalukuyang nagsasagawa ng shabu pot session sa ibabaw ng lamesa dahilan upang sabay-sa­bay silang arestuhin ng mga pulis.

ABANGAN NORTE ABANGAN SUR ACIRC ANG ANGELITA FLORES BENJAMIN GUEVARRA JR. BRGY CASSANDRA CHEBB VESAGA DELA CRUZ DRUG PERSONALITY JOJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with