_ngayon
^

3 patay sa salpok ng truck

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2015 - 9:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlo katao ang nasawi at marami pa ang nasugatan matapos suwagin ng isang truck ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Barangay Busay, Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Carol Lopez; Tomas Tognopo; isang Italian national na  driver ng Montero at isang alyas Juvan, pahinante ng truck.

Walo ang nasugatan na isinugod sa iba’t ibang paga­mutan sa Legazpi City.

Sa ulat na nakarating kay Provincial Dir.P/SSupt. Marlo Meneses, naganap ang aksidente dakong alas-2:20 ng hapon habang ang truck (WKC – 634) na minamaneho ni Samson Loterte nang nawalan ito ng control sa manibela at sinuwag ang isang pampasaherong jeep (EVR-343) na minamaneho ni Warren Magdasoc, ang Montero na minamaneho ni Tognopolo sakay si Lopez at Isuzu Wing van (HUR – 841) na mimamaneho ni Efren Bacosa.

Dinala ang mga nasugatang pasahero sa mga pagamutan habang ang driver ng truck na si Loterte ay nahaharap na patung -patong na kaso.

ANG BARANGAY BUSAY CAROL LOPEZ EFREN BACOSA ISUZU WING LEGAZPI CITY MARLO MENESES NATIONAL HIGHWAY PROVINCIAL DIR SAMSON LOTERTE TOMAS TOGNOPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with