Mister dinedo ng mag-ama
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nadakip ang 23-anyos na construction worker habang tinutugis naman ng pulisya ang ama nito matapos mapatay ang kanilang kapitbahay dahil sa matinding selos sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Silangan, bayan ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. ?

Sa ulat na nakarating kay Cagayan Police Director P/Senior Supt. Ronaldo Olay, Cagayan PNP director, nakipagbarilan muna ang mag-amang suspek na sina Marcelo Constantino at Don-don Constantino sa mga operatiba ng pulisya na sumunod sa kanilang bahay sa Barangay Bulo.?

 Lumilitaw sa imbestigasyon na ang mag-amang Constantino ang namataan ng mga saksi na bumaril at nakapatay sa 43-anyos na si Reynaldo Uclos habang ito ay papauwi mula sa trabaho.? ?

Sa imbestigasyon ng pulisya, masama ang loob ng nakatatandang Constantino sa kapatid ng biktima dahil ito na ngayon ang kinakasama ng kanyang misis na humiwalay sa kanya.

ALLACAPAN ANG BARANGAY BULO BARANGAY SILANGAN CAGAYAN POLICE DIRECTOR P CONSTANTINO LUMILITAW MARCELO CONSTANTINO REYNALDO UCLOS RONALDO OLAY SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with