7 bandido utas sa engkwentro
(Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2015 - 2:25am

MANILA, Philippines – Pitong bandido, kabilang ang isang kilabot na komander, ang nasawi matapos makaengkwentro ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayon sa mga awtoridad, unang nagpaputok ang mga bandido sa pamumuno ni Jaafar Maguid nang makita niyang papalapit sa kanila ang mga miyembro ng 1st Marine Brigade sa Barangay Butril, Palimbang.

Dumating ang mga sundalo para rumesponde sa umano’y pangingikil ng grupo ni Maguid na pinaghahahanap dahil sa patung-patong na kaso, kabilang ang extortion at pagtutulak ng ilegal na droga.

Bukod sa mga nasawi, nakita ng ilang residente na apat na sugatang bandido ang hila-hila ng kanilang mga kasama.

Iba’t ibang armas at bala ang nakuha ng mga sundalo sa mga nasawing bandido.

 

ANG AYON BARANGAY BUTRIL BUKOD DUMATING JAAFAR MAGUID MARINE BRIGADE MGA PALIMBANG PHILIPPINE MARINE CORPS SULTAN KUDARAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with