Inhinyerong may sakit, nagbigti
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2015 - 9:00am

QUEZON, Philippines – Dahil sa hindi na matagalang sakit ng tiyan na nakaaapekto sa kanyang pagdumi, ipinasya na lamang ng 65-anyos na engineer na tapusin ang sariling buhay matapos magbigti kamakalawa ng umaga sa Everlasting Street sa Purok Maligaya, Barangay Gulang-gulang sa Lucena City, Quezon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, kinilala ang biktima na si Engr. Amado de Torres, biyudo at nakatira sa nabanggit na barangay. Dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktima na nakabitin sa loob ng palikuran ng kaniyang bahay. Bago ang pagpapatiwakal ay may ilan buwan nang idinaraing ng biktima ang matinding pananakit ng tiyan na naging dahilan upang ito ay mawalan ng gana sa pagkain at naging malungkutin.

 

AMADO ANG BARANGAY BARANGAY GULANG BIKTIMA DAHIL DAKONG EVERLASTING STREET LUCENA CITY PUROK MALIGAYA QUEZON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with