Kumpare tinodas ng 65-anyos lolo

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2015 - 9:00am

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Napatay ng 65-anyos na lolo ang kanyang kumpare na bumulabog sa kanyang pagtulog sa Barangay Buag, bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Roger Tagarian habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Gil Tito, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Rafael Cabonatilla, hepe ng Bambang PNP, natutulog ang suspek nang kalampagin ng biktima ang pintuan ng bahay. Gayon pa man, agad na binuksan ng suspek ang pintuan kung saan namataan nito ang kanyang kumpare na may hawak na bato na akmang ipupukpok sa kanya. Agad naman na hinugot ng suspek ang itak na nakasabit malapit sa kanyang pintuan kung saan inundayan ang biktima.

 

ANG BAMBANG BARANGAY BUAG CHIEF INSP GAYON GIL TITO KINILALA NAPATAY NUEVA VIZCAYA RAFAEL CABONATILLA ROGER TAGARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with