Mag-lover tiklo sa droga
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Doble kamalasan ang sinapit ng magkalaguyo matapos na maaktuhan sa kanilang kataksilan sa loob ng motel ay masamsaman pa ng illegal na droga sa bayan ng Maramag, Bukidnon kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Bryan Langamin, 29; at Shiela May Pasco, 28, mga residente ng Purok 2, Don Carlos, Bukidnon. Sa ulat ng Bukidnon PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-11:30 ng gabi nang masakote ang magkalaguyo sa lodging house sa Purok 7, South Poblacion. Ang magkalaguyo ay  nasakote matapos namang ireklamo ng legal na asawa ni Langamin kung saan na tiniktikan at nakita umano niyang pumasok sa motel kasama ang kerida nito. Rumesponde naman ang pulisya at nasakote ang magkalaguyo sa loob ng kuwarto kung saan nakita sa ibabaw ng kama ang mga illegal na drug paraphernalia at dalawang plastic sachet ng shabu.

 

ANG BRYAN LANGAMIN BUKIDNON CAMP CRAME DON CARLOS KINILALA LANGAMIN MARAMAG PUROK SHIELA MAY PASCO SOUTH POBLACION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with