Hayskul principal, pinabulagta

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang 41-anyos na high school principal matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay San Raymundo, bayan ng Jolo, Sulu kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Edwin Saraji, principal sa Luuk National High School at nakatira sa Barangay Kakuyagan sa nasabing bayan. Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya agad na namatay. Iniimbestigahan na rin ng Sulu Police Provincial Office ang naganap na pamamaril.

ANG BARANGAY KAKUYAGAN BARANGAY SAN RAYMUNDO EDWIN SARAJI INIIMBESTIGAHAN JOLO KINILALA LUUK NATIONAL HIGH SCHOOL NAGTAMO PINABULAGTA SULU POLICE PROVINCIAL OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with