5 minasaker sa drug den
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

BULACAN, Philippines – Lima-katao na sinasabing gumagamit ng bawal na droga ang napatay matapos na  pagbabarilin ng mga di-kilalang gunman sa nirerentahang bahay na ginawang drug den sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Axel John “Axel” Batac, 21; Angel Romero, 20, ka-live-in ni Batac; Mark Christian Borgonia, 16, ng Brgy. Sabang; Benlee “Kamote” Manaloto, 25, ng Brgy. Virgen De Los Flores; at si Alvin Cruz, 42, ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Enrico Vargas, hepe ng Baliwag PNP, dakong alas-12:15 ng mada­ling araw nang natagpuan ang duguang katawan ng mga biktima sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Mark Anthony Johnson.

Nabatid na kakausapin sana ng may-ari ng bahay ang magka-live-in sa pinauupahang bahay nang madiskubre nito ang mga bangkay ng biktima na nasa ibabaw ng kama.

Kaagad namang ipinaabot sa mga opisyal ng barangay ang nadiskubreng krimen kung saan ipinagbigay-alam naman sa himpilan ng pulisya.

Narekober sa crime scene ang dalawang plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, digital weighing scale, at 10 basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Ayon sa pulisya, sina Batac at Manaloto ay nasa talaan ng drug watchlist personalities kung saan sinisilip ang anggulong onsehan sa droga ang isa sa motibo sa krimen.

ACIRC ALVIN CRUZ ANG ANGEL ROMERO AXEL JOHN BALIWAG BARANGAY SABANG BATAC BRGY BULACAN ENRICO VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with