_ngayon
^

11 Marines sugatan sa road mishap

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Umaabot sa 11 sundalo ng Philippine Marines ang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang military truck sa malalim na kanal sa kahabaan ng highway sa Barangay Abong–Abong, bayan ng Maluso, Basilan noong Miyerkules ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas ang M35 military truck ng Marine Battalion Landing Team 11 sa kahabaan ng highway patungong Barangay Manggal sa bayan ng Sumisip mula Isabela City nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa bahagi ng pakurbadang highway. Bunga nito ay nahulog ang truck sa malalim na kanal sa gilid ng highway kung saan tatlo sa 11 sundalong nasugatan ay nasa malubhang kalagayan at dinala sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

ABONG BARANGAY ABONG BARANGAY MANGGAL BASILAN BUNGA CAMP CRAME CAMP NAVARRO HOSPITAL ISABELA CITY MARINE BATTALION LANDING TEAM PHILIPPINE MARINES ZAMBOANGA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with